Pakikisalamuha

Pagkatapos mong grumadweyt, saglit na titigil ang mundo mo dahil ito ang takdang oras para pag-isipan kung aling landas ang iyong tatahakin. Ano ang trabahong kukunin mo o magtratrabaho ka nga ba? Sa mga panahong ito na bukas ang iyong isip sa mga maaaring maganap nagkakalamat ang reyalidad at mula sa mga lamat na ito nakakapuslit papasok sa ating daigdig ang mga kakaibang nilalang upang makisalamuha sa atin.