MGA BAYANING THIRD WORLD: Mula 1521 Hanggang Sa Dulo Ng Mundo!

Nang pinatay ni Magellan si Lapu-Lapu sa Mactan noong 1521, sumambulat ang Espiritu ng Kabayanihan sa lahat ng dako ng Kalawakan at Panahon, isang dakilang puwersa na bumunsod sa kapanganakan ng Ikatlong Mundo ng mga Pambihirang Bayani ng Pilipinas! Nakalimutan mo na ba kung sino sila? Puwes, muling balikan ang kanilang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran mula sa Pagkamatay ng Unang Bayani hanggang sa Pagkamatay ng Amang Araw sa teks-serye na'to mula kina Adam David at Mervin Malonzo!