Mervin Malonzo

Si Mervin Malonzo ay nagpupursiging mabuhay sa pagkokomiks lamang. Siya ang maylikha ng mga aswang sa komik-seryeng Tabi Po na nanalo sa National Book Awards 2014 ng Best Graphic Literature in Filipino at ngayon ay mapapanood na rin bilang teleserye. Ang ilan pa sa mga librong kasangkot siya ay Ang Subersibo, Terrorium, Pakikisalamuha, Shake, Rattle, & Roll, The Friendzone, The Lost Journal of Alejandro Pardo, Alternative Alamat, at Ella Arcangel. Gumagawa siya ng komiks araw-araw at gabi-gabi. Kapag hindi siya gumagawa ng komiks, siya ay nakikipaglaro sa cute niyang baby na si Elias kasama ang asawa niyang si Princess. Suportahan niyo siya sa pamamagitan ng pagbili sa mga libro niya sa www.mervstore.com.