Julius Villanueva

Si Julius Villanueva ay lagpas sampung taon nang gumagawa ng komiks. Una siyang nakilala sa kaniyang comic strip sa Manila Bulletin na pinamagatang Life in Progress. Gumagawa rin siya ng  independent komiks na tumatalakay sa iba’t ibang bagay mula sa mga dinosaurs (Cold Tooth, First, Tender Things) hanggang sa mga normal na tao. Madalas siyang makikita na gumagala sa Quezon City o sa mga comics convention.