Haliya Manawari: Haliya Komix Grand National Eyeball 2018

Nitong Pebrero 11, 2018 ginanap ang kauna-unahang eyeball ng Haliya authors sa Buku Buku Kafe, SM Southmall. Nakakuwentuhan ng mga tagasubaybay ng aming mga libro sina Mervin Malonzo (Tabi Po), Adam David (El Bimbo Variations, Terrorium), Julius Villanueva (Ella Arcangel), at Hulyen (UGH). Ang kuwentuhan ay pinamunuan ni Propesor Chingbee Cruz na kasintahan rin ni Adam. Siyempre hindi rin mawawala si Princess Malonzo na siyang naging punong-abala sa event na inorganisa niya kasama si Aliyah Luna at si Jessica Santiago (Buku Buku Kafe). 

Bukod sa kuwentuhan, namigay kami ng mga goodie bags na naglalaman ng isang preview zine (mababasa ito dito), art print, stickers, at mugs (available dito)! Namigay rin kami ng mga papremyo pagkatapos ng event. 

Nais naming magpasalamat sa mga dumalo! Lagi kaming masayang makasama kayo. Sa mga hindi nakadalo, huwag kayong mag-alala dahil gagawin pa namin ito uli sa iba pang mga lugar malapit sa inyo! Abangan lang ang susunod na announcement. 

Kung gusto niyong marinig kung ano ang napag-usapan sa unang eyeball namin sa SM Southmall, mapapakinggan ang recording dito