Haliya Manawari: Baguio

Ginanap ang ikatlong Haliya Manawari sa Canto Bogchi, Baguio nitong nakaraang Marso 11, 2018 sa paanyaya ng Mt. Cloud Bookshop, ang paborito naming bookstore sa Baguio! Dahil sunod-sunod ang aming events, isang linggo lang kami nakapaghanda para rito ngunit nagulat pa rin kami sa pagdalo ng mas maraming tao kaysa inaasahan namin. Nagpapasalamat kami sa mga dumalo at kay Miss Marisol Montilla ng Mt. Cloud sa pagtulong sa aming mag-organisa nito. May Haliya books pa sa Mt. Cloud kaya kung aakyat kayo kailangan ninyong dumaan dun dahil dun na lang available ang unang edisyon ng UGH Vol. 1 ni Hulyen at Ella Arcangel Tomo Una ni Julius Villanueva. Nagpapasalamat din kami sa Canto Bogchi para sa masarap na pagkain! Kung pupunta kayo sa Baguio, siguruhin ninyong makapunta kayo dun dahil pinipilahan ang pagkain nila. Paborito ni Julius ang panna cotta nila!  Nataon din na birthday ni Adam David kinabukasan matapos ang event kaya dun na rin kami nagdiwang ng kaarawan ng pasaway (marami ang nagreact sa sinulat niyang manifesto) naming kaibigan at sinamahan pa kami ni Manix Abrera! 

Matapos ang talk, namigay kami ng mga raffle prizes at nakipagkuwentuhan sa mga dumalo. Samahan ninyo kami sa susunod! Kung gusto ninyong pakinggan ang recording ng talk, punta lang dito.

Gaya ng nakagawian, narito ang aming mga larawan: