Gandang-ganda sa Sariling Gawa

Sumali ang Haliya Publishing sa Gandang-ganda sa Sariling Gawa! Book/zine/art fair by women ng Gantala Press. Ibinida namin ang mga gawa ng mga babaeng authors namin. Si Hulyen ang author ng UGH vol. 1 na kakarelease lang ng second edition. May gawa rin siya sa Kabuwanan kasama sina Lizette Daluz, Laraine Gazmen at Hannah Puyat, Trizha Ko, Kay Aranzanso, Mich Cervantes at Pauline Rana, at Emiliana Kampilan, at pabalat ni Justine Basa. Bukod sa mga librong nabanggit, may stickers din mula kay Hulyen, Trizha Ko, at Gale Bathan. Naglabas rin kami ng isang preview zine ng April & May mula sa tambalang Hulyen at Hulyan na lalabas sa Summer Komikon.

Narito ang mga larawan at videos: