April & May Forever!!

1990: panahon ng kudeta, lindol, kidnapping, at hostage crisis - kayrami nang nangyari, kayrami nang naganap - ngunit para kina April Tan at May Pascual, dalawang dalagita ng Project Four, Cubao, ang tunay na sakuna ay ang kawalan ng mga tiket para sa fundraising campus concert ng the Dawn sa kanilang hayskul!!! Mapapanood ba ng ating mga butihing bida ang kanilang pinakamamahal na banda ever?!? Alamin sa APRIL & MAY #1: WITHOUT SEEING THE DAWN, na lalabas sa Summer 2018 mula kina Hulyan at Hulyen at Haliya Publishing!!!