Blog

Sumali ang Haliya Publishing sa Gandang-ganda sa Sariling Gawa! Book/zine/art fair by women ng Gantala Press. Ibinida namin ang mga gawa ng mga babaeng authors namin. Si Hulyen ang author ng UGH vol. 1 na kakarelease lang ng second edition.

Narito ang recording ng ginawa naming talk sa Baguio sa paanyaya ng Mt. Cloud Bookshop na ginanap noong Marso 11, 2018 sa Canto Bogchi.

Ginanap ang ikatlong Haliya Manawari sa Canto Bogchi, Baguio nitong nakaraang Marso 11, 2018 sa paanyaya ng Mt. Cloud Bookshop, ang paborito naming bookstore sa Baguio! Dahil sunod-sunod ang aming events, isang linggo lang kami nakapaghanda para rito ngunit nagulat pa rin kami sa pagdalo ng mas maraming tao kaysa inaasahan namin. Nagpapasalamat kami sa mga dumalo at kay Miss Marisol Montilla ng Mt. Cloud sa pagtulong sa aming mag-organisa nito. May Haliya books pa sa Mt.

Mula sa Centrio sa Cagayan de Oro, balik naman kami sa Centris sa Quezon City para sa Komiket!

Sa paanyaya ni Melissa Abuga-a at ng Ayala Centrio sa Cagayan De Oro, nagpaunlak ang Haliya Team na pinangungunahan nina Adam David, Mervin at Prin Malonzo, Julius Villanueva at Hulyen na magsalita tungkol sa independent publishing at kung anu-ano pang bagay tungkol sa kani-kaniyang kontribusyon sa pagkokomiks. 

Heto ang humigit-kumulang tatlong oras na recording ng kuwentuhan namin mula sa Haliya Manawari: Haliya Komix Grand National Eyeball 2018. Enjoy!

Successful ang unang Eyeball ng Haliya Publishing! Narito ang mga naganap.